Sunday, August 23, 2009

PAGKAKATAON (Red Tiger 86)

Hindi ko mapigilang ikaw ay aking isipin,
Lagi kitang naalala…
Habang tumatagal ay patindi nang patindi,
Naglalagablab ang aking damdamin sa tuwing naiisip kita..
Mahal na nga kita
Ayaw mang aminin ng aking isip
Pero ito ang isinisigaw ng aking puso
Di ko na mapigilan ang aking nararamdaman
Bakit nga ba ikaw?


Naiinis akong isiping napakahina ko
Di ko maipakita sa’yo ang pag-ibig ng puso ko
Ano nga ba ang dapat kong gawin para din a ako mailto?
Para mahalin mo rin ako…


Lagi lang naman akong nadito para sa’yo,
Pero bakit tila hindi mo ako nakikita?
Nababagabag na ang buo kong pagkatao…
Dahil sa damdaming hindi ko lubos na maiparamdam sa’yo.

No comments:

Post a Comment